^

PM Sports

Solo liderato asam ng FEU

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines – Masolo ang liderato ang tatangkain ng Far Eastern University sa pagharap sa San Sebastian College-Recoletos sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League Season 2 Collegiate Conference ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Magtutuos ang Lady Tamaraws at Lady Stags sa alas-4 ng hapon habang sisimulan ng University of the Philippines ang kampanya nito sa pakikipagtipan sa University of Perpetual Help System Dalta sa alas-2.

Magkasalo ang FEU at University of Santo Tomas sa unahan ng standings tangan ang parehong 2-0 marka.

Hindi madali ang pinagdaanan ng Lady Tamaraws bago makuha ang dalawang dikit na panalo.

Dumaan sa butas ng karayom ang FEU bago kunin ang five-set win laban sa College of Saint Benilde sa kanilang unang pagsalang habang kinailangan ng Morayta-based squad ng apat na sets bago payukuin ang San Beda University.

Malaking tulong ang nagagawa ni rookie opposite hitter Lycha Ebon kasabay pa ng magandang laro ni middle blocker Celine Domingo – ang kasalukuyang top scorer sa liga  - gayundin nina Jerilli Malabanan, Czarina Carandang, Heather Guino-o at Jeanette Villareal.

Solido rin ang kumbinasyon nina setter Kyle Negrito at libero Ria Duremdes para makabuo ng matitikas na plays.

Subalit gigil ang San Sebastian na makabawi.

Galing ang Lady Stags sa straight-set loss sa Tigresses noong nakaraang linggo.

Kaya naman inaasahang hahataw ng husto sina Joyce Sta. Rita, Jamille Carreon, Shane Requierme habang mamanduhan ni libero Jewelle Bermillo ang floor defense at sasandalan naman si Alexia Sison sa playmaking decision.

Sa men’s division, nais din ng Adamson University na makawala sa three-way tie sa No. 1 spot sa pagharap nito sa San Beda sa alas-9 ng umaga.

Lalarga rin ang salpukan ng FEU at Perpetual Help sa alas-11.

Pare-parehong may 2-0 baraha ang Adamson, UST at NU.

SAN SEBASTIAN COLLEGE-RECOLETOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with