Sasalang na ang Arellano
MANILA, Philippines — Umpisahan ng Arellano University Chiefs ang kanilang kampanya sa paghaharap sa Emilio Aguinaldo College Generals ngayon sa pagpapatuloy ng “NCAA on Tour” ng 94th NCAA basketball tournament na dadako sa Arellano Gym sa Legarda Campus, Manila.
Haharapin ng Chiefs ni coach Jerry Codiñera ang EAC Generals sa alas-4 ng hapon pagkatapos sa laban ng Arellano Braves at EAC Brigadiers sa alas-2.
Ito pa lang ang unang laro ng Chiefs sa season na ito matapos maudlot ng dalawang beses ang kanilang nakatakdang laro dahil sa masamang panahon.
“The boys are excited and eager to play this season. We couldn’t practice for several days because some of the players got stranded due to flooding and we also can’t use our court because of the moist caused by the rains,” sabi ni coach Codiñera.
Nagpahayag pa rin ng pag-alala si Codiñera dahil sa napabalitang panibagong low pressure area (LPA) na binabantayan sa hilagang Luzon.
“So we really don’t know what will happen tomorrow (ngayon), we’ll just do what we can to win,” dagdag ni Codiñera.
Kahit wala si Kent Salado dahil sa injury, mala-ki pa rin ang tiwala ni Codiñera na magwawagi sila sa pangunguna nina Michael Cañete, Rence Luis Alcoriza, Levi dela Cruz, Archie Concepcion at Elie Ongolo Ongolo.
Itatapat naman ni EAC coach Ariel Sison sina Came-roonian Hamadou Laminou na kababalik lamang mula sa injury, Jethro Mendoza, Maui Cruz, Jerome Garcia at Rodney Fuentes para makabawi sa kanilang 97-106 pagkatalo sa Lyceum Pirates noong Biyernes.
“I’m happy with how he (Laminou) played in our last game and I’m hopeful he could sustain that kind of game the rest of the way,” ayon kay coach Sison.
- Latest