LeBron di sasali sa USA Basketball minicamp

MANILA, Philippines —  Hindi makikibahagi si LeBron James, isang two-time Olympic gold medalist, sa USA Basketball minicamp sa susunod na linggo ayon sa ulat ni Dave McMenamin ng ESPN.

Gaganapin ang minicamp sa July 25-27 sa Las Vegas at ito ang unang USA Basketball event na si Gregg Popovich ang head coach. Pinalitan ni Popo-vich si Duke basketball coach Mike Krzyzewski.

Si James ay nasa Las Vegas nitong nakaraang weekend para manood ng laro ng  La Lakers Summer League team na makikita sa larawan kung saan nakasuot siya ng Lakers short at ang kulay ube na rubbershoes. Ito ang kanyang unang public appearance sapul nang pumirma sa Lakers  at binigyan ito ng standing ovation ng audience.

Ngunit hindi pa humaharap sa media sa James.

Ayon sa report ni McMenamin, inaasahang magbibigay ng pahayag si James tungkol sa kanyang paglipat sa Lakers sa July 30 sa pagbubukas ng “I PROMISE school” sa Akron.

Si James ay isa sa 35 na napiling makibahagi sa USA Basketball camp na inilabas noong April. Pagkatapos ng camp, pipili ang USA Basketball ng 12 players na ilalaban sa 2019 World Cup at 2020 Olympics sa Tokyo.

Samantala, naki-pagkasundo si free agent Dante Cunningham sa one-year deal sa San Antonio Spurs, ayon sa mga source ng Yahoo Sports.

Kinonsidera muna ni Cunningham Brooklyn Nets na puwede niyang lipatan nitong mga nagdaang araw bago naki-pag-ayos sa San Antonio.

Ang 6-foot-8 forward ay lumaro ng 73 games noong nakaraang season sa Nets at New Orleans Pelicans kung saan nag-average ito ng 5.7 points at 4.1 rebounds kada-laro.

Si Cunningham ay malaking karagdagan sa San Antonio para magkaroon ng karagdagang versatility sa wing at front court.

Show comments