CHARLOTTE, North Carolina — Dinala ng Hornets si big man Timofey Mozgov sa Orlando Magic sa isang three-team deal kasama ang Chicago Bulls.
Ibinigay naman ng Orlando si Bismack Biyombo kasama ang dalawang future second-round picks sa Charlotte para makuha si Mozgov.
Naglaro si Biyombo para sa Charlotte noong 2011-14.
Nakuha din ng Magic si guard Jerian Grant mula sa Bulls sa kasunduang nakumpleto kahapon.
Nahugot naman ng Chicago si Julyan Stone buhat sa Charlotte.
Nakatipid ang Bulls ng halos $2 milyon sa nasabing trade.
Nauna nang nakuha ng Hornets si Mozgov galing sa Brooklyn Nets kung saan napunta si Dwight Howard sa Nets.
Nagkasundo si Howard at ang Brooklyn sa isang buyout para makapaglaro ang All-Star center sa Washington Wizards.