MANILA, Philippines – Magtatagisan ng lakas at bilis ang 10 sa pinakamatitikas na thoroughbreds sa bansa, sa pangu-nguna ng Smart Candy at Wonderland para sa ikatlo at huling leg ng ‘Triple Crown’ ng Philippine Racing Commission (Philracom) bukas sa Saddle and Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite.
Asam ng Smart Candy, ang three-year-old filly na alaga ng SC Stockfarm, ang ikalawang panalo sa serye laban sa mga karibal na kinabibilangan ng TC second leg winner Wonderland, sakay si FM Raquel at nasa pangangalaga ni Herminio ‘Hermie’ Esguerra. Pumangatlo ang Wonderland sa first leg.
Nanguna ang Smart Candy sa dalawa sa tatlong leg ng Philracom’s 3YO Stakes Race nga-yong taon at kampeon sa first leg ng Triple Crown nitong Mayo.
Inaasahang ratratan ang duwelo sa pagitan ng Smart Candy at Wonderland na kapwa naglaban sa finish line sa unang dalawang leg ng prestihiyosong karera.
Patibayan ang labanan lalo na’t huling leg na ng Triple Crown sa distansiyang 2,000 meters.
“Smart Candy and Wonderland are expected to go at it in the final leg, but there’s no reason why eight other horses can’t crash that two-horse party. It will surely be a treat to all racing aficionados,” pahayag ni Philracom Chairman Andrew A. Sanchez.
Kabilang sa magtatangkang makisingit sa labanan para sa P1.8 milyon premyo ang Box Office, kasama sa SC Stockfarm ni Smart Candy at sakay ang pamosong si jockey JB Hernandez, gayundin ang El Debarge sakay si JA Guce.
Hindi rin pahuhuli, ang Critical Moment, sakay si jockey RO Niu Jr. at pagmamay-ari ni Melanie C. Habla; Disyembreasais (JB Cordova, Alfredo R. Santos); Goldsmith (RG Fernandez, Cpriano T. Sison Jr.); Prosperity (JB Guce, Leonardo M. Javier Jr.); Speedmatic (PR Dilema, Herma Farms & Stud. Inc.) at Victorious Colt (OP Cortez, Jose Antonio G. Zialcita).
Kabuuang P3 mil-yon ang premyo sa karera kung saan naghihintay ang P675,000 sa runner-up habang ang ikatlo at ikaapat na puwesto ay may P375,000 at P150,000, ayon sa pagkakasunod. May nakalaan din ng breeder’s purse na P100,000.
Pakaaabangan din sa Linggo ang aksiyon sa P1-million 2018 Philracom Hopeful Stakes Race na may nakalaang P600,000 sa kampeon.