281 Phl team para sa ASIAD
MANILA, Philippines — Magpapadala ang Philippine Olympic Committee (POC) ng 281 atleta para sa 2018 Asian Games – ang pinakamalaking delegasyon ng Pilipinas sa nakalipas na tatlong edisyon ng quadrennial meet.
Huling nagpadala ng mahigit 200 atleta ang Pilipinas noong 2006 edition sa Doha, Qatar kung saan nagbulsa ang dele-gasyon ng apat na ginto, anim na pilak at siyam na tansong medalya.
Bumaba ito sa 188 atleta noong 2010 na ginanap naman sa Guangzhou, China ngunit nakapag-uwi pa rin ang Pinoy squad ng tatlong ginto, apat na pilak at siyam na tanso.
Noong 2014 sa Incheon, South Korea, umani lamang ang Pilipinas ng isang ginto, tatlong pilak at 11 tanso matapos aprubahan ng POC ang partisipasyon ng 159 atleta.
Sa taong ito, tiwala ang POC na malalampasan ng pambansang koponan ang performance nito sa Incheon.
Ibabandera ng Pilipinas si Rio Olympics silver medallist Hidilyn Diaz kasama ang Southeast Asian Games gold medallists gaya ni boxer Eumir Felix Marcial, Filipino-American Eric Shauwn Cray, marathon queen Mary Joy Tabal, triathlon champions Nikko Huelgas at Kim Mangrobang, judoka Mariya Takahashi at gymnast Kaitlin De Guzman.
Sasalang din sa boxing sina Carlo Paalam, Ramel Macado Jr., Ian Clark Bautista, Rogen Ladon, Mario Fernandez, Mario Bautista, James Palicte, Sugar Ray Ocana, Joel Bacho at Charly Suarez (men’s division), at sina World Championship gold me-dallist Josie Gabuco, Aira Villegas at Nesthy Petecio (women’s class).
Magbabalik-aksiyon din si Fil-Am BMX rider Danny Caluag na nagnanais maipagtanggol ang kaniyang titulo sa Asian Games.
Isinalba ni Caluag ang kampanya ng Pilipinas sa Incheon nang pagharian nito ang men’s BMC race.
Kasama rin sa dele-gasyon ang inaabangang Gilas Pilipinas na pamumunuan ni naturalized player Andray Blatche kasama ang ilang TNT KaTropa players at Gilas Cadets members.
Papalo rin ang women’s volleyball team sa pangu-nguna nina team captain Aby Maraño, three-time UAAP MVP Alyssa Valdez at Philippine Superliga MVP Jaja Santiago.
- Latest