Makati Skyscrapers kikilatisan ng Basilan

MANILA, Philippines — Determinado ang Basilan Steel na bigyan ng magandang laban ang Makati Skyscrapers habang maghaharap naman ang baguhang Rizal Crusaders at Bulacan Kuyas ngayon sa pagpapatuloy ng 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Anta Datu Cup sa Bulacan Capitol Gym sa Malolos, Bulacan.

Magtatagpo ang Basilan at Makati sa alas-7 ng gabi habang inaasahan ang magandang laban sa pagitan ng Bulacan at Rizal sa alas-9 ng gabi.

Sinabi ni head coach Joseph Romarante na ipapakita nila ang magandang ugali ng Basilan na lu-malaban kaya tiniyak niya ang dikit na pagtatagpo ng dalawang koponan.

Sasandal si Romarante kina dating Sta. Lucia Realtors standout Jojo Tangkay, dating Letran Knights Jonathan Belorio, Dennis Daa, Mark Ababon, Macky Acosta, John Foronda, Francis Camacho, Tata Bautista at Kai Osama. Itatapat naman ni Makati coach Cholo Villanueva sina Kenneth Mocon, Roy Caya-nan, Carlo Lloren, Philip Paniamogan, Rudy Lingganay, Cedric Ablaza, Mark Isip, Mark Sta. Maria, John Villanueva, James Mangahas, Carlos Morales, Joseph Manlangit, Gio Lasquety at Jacskter Apinan.

Sa ibang laro, ang Bulacan Kuyas na umabot sa quarterfinals noong nakaraang Anta Rajah Cup ay pangu-ngunahan na ngayon ni coach Britt Reroma na siyang pumalit kay Chris Baluyot.

Show comments