^

PM Sports

Bakit minamadali ang ‘Chan Trade’?

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Hindi ako kumbinsido sa pananaw na ibinahagi sa akin ni Phoenix Fuel top official Raymond Zorrilla sa kanilang pagbigay kay Jeff Chan sa Barangay Ginebra kapalit ng first round draft pick.

Long term daw at hindi ang pangkasalukuyan ang kanilang ikinonsidera sa pagpayag na pakawalan si Chan sa Ginebra.

“The opportunity presented itself and we grabbed it. Taking into consideration coach Louie Alas’ system, kailangan talaga namin ng mga batang player. And here’s the draft rights of Ginebra,” paliwanag ni Zorrilla. “It may be raw but it would surely have the energy and athleticism that we need in our team,” dagdag pa ni Zorrilla.

Ang hindi ko maintindihan ay bakit kailangan madaliin ang pamimigay kay Chan samantalang may dalawa na lang na importanteng laro ang natitira sa kanilang elims stint. Bakit hindi na lang pagkatapos ng kampanya ng Phoenix sa PBA Commissioner’s Cup?

Isa sa mga pangunahing top gun ng Phoenix si Chan sa kasalukuyang PBA tourney kung saan nag-a-average ang Negrense shooter ng 11.5 points, 4.4 rebounds, 4.1 assists at 1.22 steals.

Saan hahalukayin ng Phoenix ang mga numero na iyan plus ang veteran presence ni Chan sa kanilang laro kontra sa GlobalPort bukas at kontra sa Alaska Milk sa July 6?

Ang Ginebra ang makikinabang sa galing ni Chan sa kanilang huling tatlong laro kontra sa Columbian Dyip, Alaska Milk at GlobalPort.

Madaling intindihin ang pagmamadali ng Ginebra na maplantsa agad ang trade na ito. Ang hindi ko maintindihan ay ang pagmamadali ng Phoenix.

 Diin naman ni Zorrilla na hindi nila isinusuko ang kanilang pag-asang lumusot sa PBA Commissioner’s Cup playoffs.

“All these players are professionals. Kapag nawala ang isa kahit na sa kalibre ni Jeff Chan, the others should be ready to step up. It’s an opportunity for the others to step up,” ani Zorrilla.

At kahit nananatiling nasa bansa ang original Phoenix import na si James White, tatapusin na ng Fuel Masters ang kanilang kampanya na si Eugene Phelps ang kanilang import.

“Kawawa naman si White, baka ma-injured pa uli. So pahinga na lang siya,” ani Zorrilla.

JEFF CHAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with