^

PM Sports

Petron lusot sa Generika-Ayala

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nalusutan ng Petron XCS ang matikas na ha-mon ng Generika-Ayala A, 19-21, 21-14, 15-8 upang magarbong simulan ang kanilang pagdedepensa sa titulo kahapon sa Phi-lippine Superliga (PSL) Beach Volleyball Challenge Cup sa Sands By the Bay sa Mall of Asia.

Mabilis na nakabangon sina Sisi Rondina at Bernadeth Pons sa mabagal na simula para pigilan ang pagtatangka nina Fiola Ceballos at Patty Orendain ng Lifesavers at makuha ang 1-0 rekord sa Pool A.

“We haven’t trained in this venue, so we had some troubles moving on the sand,” wika ni Rondina na naglaro muna sa UAAP at FIVB World Tour bago simulan ang pagsasanay kasama si Pons.

Sunod na sasagupain nina Rondina at Pons sina Danika Gendrauli at Nerissa Bautista ng Cocolife A.

“Whenever I jump, it seemed that the sand was pulling back my feet. We had difficulty moving in the first set. Fortunately, we managed to adjust and win the second and third sets,” dagdag ni Pons.

Maganda rin ang simula nina Mylene Paat at Rap Aguilar ng Cignal A nang gapiin nito sina Bang Pineda at Sheeka Espinosa ng Generika-Ayala B, 21-19, 5-21, 16-14 para manguna sa Pool B.

Sa men’s division, na-naig ang Sands sa University of Santo Tomas, 21-15, 21-17 at Foton, 21-19, 21-15 para sa mainit na 2-0 panimula sa Pool A.

Rumesbak ang Foton nang pataubin nito ang Cocolife, 21-5, 21-7 tu-ngo sa 1-1 baraha.

Sa Pool B, nanalo ang Cignal sa TVM, 16-21, 21-14, 15-9, wagi ang Smart sa Navy, 21-19, 14-21, 15-10 at ginapi ng TVM ang Navy, 21-17, 21-18.

Umiskor din ng pambuenamanong panalo sina reigning NCAA beach volley champions Nieza Viray at Jeziela Viray na inirerepresenta ang Foton Tornadoes matapos gulantangin sina May Vivas at Jannine Navarro ng Cignal-B sa bisa ng 21-16, 21-17 desisyon sa Pool C.

BERNADETH PONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with