Barriga sa title eliminator
MANILA, Philippines – Bilang isang nagsisimula pa lamang na professional fighter ay nabigyan kaagad si Filipino Olympian Mark Barriga ng pagkakataong makalaban sa isang world title.
Sasagupain ni Barriga si Gabriel Mendoza ng Columbia sa isang title eliminator ngayon sa SM Skydome sa Quezon City.
Bitbit ng 24-anyos na si Barriga ang kanyang malinis na 8-0-0 win-loss-draw ring record kasama ang isang knockout, habang taglay ng 38-anyos na si Mendoza ang 29-5-2 tampok ang 23 KOs.
Kung mananalo kay Mendoza sa kanilang 12-round fight ay magiging mandatory challenger si Barriga kontra kay International Boxing Federation minimumweight champion Hiroto Kyoguchi ng Japan.
Nauna nang naging kinatawan ng bansa si Barriga noong 2012 Olympic Games sa London.
Samantala, lalaban din sa nasabing boxing card si dating Pinoy world champion Marvin Sonsona at sina dating world title challengers Genesis Servania at AJ Banal.
- Latest