Valdez bibida uli sa Creamline sa PVL Season 2
MANILA, Philippines – Sisimulan ng Creamline na pangungunahan ni Alyssa Valdez ang kanilang kampanya na punum-puno ng kumpiyansa sa pagharap sa bagong sal-tang Petro Gazz sa pagbubukas ng Premier Volleyball League Season 2 Reinforced Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan City ngayon.
Nagdesisyon si Valdez na manatili sa Cool Smashers imbes na maglaro sa ibang bansa bilang import ngayong taon sa layuning maihatid sa kampeonato ang Creamline na nauwi sa third place fi-nishes lamang noong nakaraang taon.
Sa pagkakataong ito, madami siyang backup crew na palaban tulad nina Jia Morado, Risa Sato, Melissa Gohing, Pau Soriano at reigning Binibi-ning Pilipinas Ms. Globe Michele Gumabao kasama ang Thai import na si Kuttika Kaewpin at Serbian reinforcement Nikolina Asceric.
“I’m excited to play because we have a good team, a very good one,” sabi ni Valdez, na nag-miss ng mga importanteng games noong nakaraang taon dahil naglaro siya para sa 3BB Nakornnont sa Thailand, Attack Line sa Chinese Taipei at pati na rin sa national team.
“We know it’s going to be a tough season because all the teams are really strong. But our goal is to win the championship and we will do our best to win it,” sabi ni Valdez.
Ngunit may gustong patunayan ang Petro Gazz na gagabayan ni coach Jerry Yee at pangungunahan nina veterans Wensh Tiu, Paneng Mercado, Chie Saet, Djanel Cheng, Cai Nepomuceno at Ranya Musa katulong ang mga imports na sina Kadi Kullerkannm ng Estonia at Anastasia Trach ng Ukraine.
“We have a solid core,” sabi ni Yee. “It’s a matter of putting in practice and finding cohesion at the right time.”
Nakatakda ang laro sa alas-4:00 ng hapon.
Sa men’s division, magsasagupa ang Army at baguhang Vice sa alas-10 a.m.
Ang PayMaya, dating PLDT at ang Tacloban ay maghaharap sa first game sa alas- 2 p.m. bilang pambungad ng isa’t kalahating buwang torneo na inorganisa ng Sports Vision, ang grupong bumuhay ng volleyball.
- Latest