^

PM Sports

Rozier, Tatum iginiya ang Celtics sa panalo sa Game One laban sa 76ers

Pang-masa
Rozier, Tatum iginiya ang Celtics sa panalo sa Game One laban sa 76ers
Lumipad si Terry Rozier ng Celtics para sa kanyang layup.

BOSTON – Diniska­ril ng dalawang rising stars ng Celtics ang pagpa­pa­kitang-gilas ng ‘The Pro­cess’ ng 76ers para ku­nin ang Game One ng ka­nilang Eastern Confe­rence semifinals series.

Humataw si substitute point guard Terry Rozier ng 29, habang umiskor si first-year Celtics forward Jayson Tatum ng career-high na 28 markers para pa­munuan ang Boston sa 117-101 paggupo sa Phi­ladelphia.

Sa pagpukaw ng atensyon nina Ben Simmons at Joel Embiid ng 76ers, nagpasikat naman sina Ta­tum at Rozier  para sa Cel­tics.

“It’s been a dream come true. I want to keep going,” sabi ni Rozier, nag­suot ng Drew Bledsoe Patriots jersey para asa­rin si Milwaukee Bucks guard Eric Bledsoe. “I’m just a guy just li­ving in the moment.”

Pinamunuan ni Rozier ang Boston sa pagsibak sa Milwaukee sa first round.

Humakot naman si Em­biid ng 31 points at 13 rebounds sa panig ng Philadelphia, nalasap ang ikalawang kabiguan sa huli nilang 22 laro.

Nagdagdag si Simmons, ang inaasahang hi­hiranging Rookie of the Year, ng 18 markers, 7 boards at 6 assists.

“We’re NBA players and we have to be ready,” wi­ka ni Embiid. “We we­ren’t ready tonight.”

Matapos ang layup ni Simmons na nagdikit sa 76ers sa 88-97 agwat, ku­monekta naman si Al Horford ng three-pointer para muling ilayo ang Celtics sa 100-88 sa hu­ling 5:30 minuto ng fourth period.

Humakot si Horford ng 26 points at 7 rebounds para sa Bos­ton na pamamahalan ang Game Two sa Biyernes (Manila time).

Umaasa ang Cel­tics na makakapaglaro si guard Jaylen Brown sa Game Two ma­tapos mag­karoon ng hamstring injury sa kanilang panalo sa Game Seven laban sa Milwaukee sa first round.

Hindi rin naglalaro si­na Kyrie Irving at Gordon Hayward para sa Bos­ton.

“It’s been great to see Jayson and Terry and just our guys play like that,” ani Horford.

TERRY ROZIER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with