MANILA, Philippines — Iniwanan na ni coach Tai Bundit ang mga Lady Eagles ng Ateneo de Manila University matapos ang limang seasons sa UAAP.
Inihatid ni Bundit ng Thailand ang Lady Eagles sa back-to-back championships sa UAAP women’s volleyball tournament.
Sa isang memo sa Ateneo community, pinasalamatan ni university president Fr. Jett Villarin, SJ si Bundit.
“As we bid farewell to Coach Tai, we thank him for all that he has contributed to Ateneo volleyball and to collegiate volleyball. The highlight of his career as head coach is the back-to-back championships in Seasons 76 and 77,” wika ni Villarin.
Dapat ay umalis na si Bundit sa kampo ng Ateneo bago pa magsimula ang UAAP Season 80.
Ngunit nahikayat siya ng mga opisyales na manatili ng isang season.
Naihatid ni Bundit ang Lady Eagles sa Final Four kung saan sila sinibak ng Far Eastern University Lady Tamaraws.
Winakasan ng Lady Tamaraws ang anim na sunod na finals appearances ng Lady Eagles.
Si Bundit ang gagabay sa Creamline Cool Smashers sa Premier Volleyball League.
Bumaba na rin sa kanyang puwesto si Tony Boy Liao bilang Ateneo team manager.