3-Palaro record nasira

Vigan City, Philippines – Tatlong bagong record ang naitala sa athletics at isa sa swimming sa ikalawang araw ng aksyon kahapon sa 2018 Palarong Pambansa sa Elpidio Quirino Sports Complex dito.

Binura ni Samantha Therese Coronel ng National Capital Region ang isang taong record sa se-condary girls 13-17-year and under 100-m backstroke sa kanyang 1:06.58 na bumura sa dating 1:07.12 ni Nicole Pamintuan ng NCR noong nakaraang taon sa San Jose, Antique.

Sa pangunguna ng 16-anyos na si Coronel, agad umarangkada ang 13-straight champion NCR ng apat na gintong medalya sa medal-rich aquatics event.  Ang ibang gold medalist ng Big Capital City ay mula kina Jerard Dominic Jacinto sa 13-17 year 100-m backstroke (1:00.12), Cedric Keane Ting sa boys 13-17-year 400-m freestyle (4:17.95) at Gwyneth Amber Cawa-ling sa 13-17 year 400-m girls freestyle (4:43.00).

Nagposte naman si  Francis James San Gabriel ng host Ilocos region ng panibagong record sa se-condary boys 2000-m walk habang binura ni Kasandra Hazel Alcantara ng NCR ang 26-year record ng girls secondary shotput sa pagpapatuloy sa athletics event sa University of Northern Philippines field dito.

Bumato ang 16-anyos na si Alcantara ng 11.88 metro para lampasan ang dating 11.20-m ni Marites Barrios noong 1992 sa Zamboanga City Palaro.

Nagawa ng Grade 12 estudyante ng University of the East-Manila ang bagong record matapos sa ika-limang hataw kung saan nagrehistro rin ng 11.29 ang pumapangalawang si Jamela de Asis ng Western Visayas para sa second honor roll.

Hindi rin nagpahuli si Katherine Ann Quitoy ng Western Visayas pagkaraang magtapon ng 45.22-meter sa girls secondary javilen throw upang higitan ang dating 42.85-m ni Faith Abunda Sylvan ng Northern Mindanao noong 2017 sa San Jose, Antique.

Ang isa pang bagong meet record ay mula sa 17-anyos na si San Gabriel na taga Umingan, Pangasi-nan matapos magposte ng 9:33.01 sa secondary boys 2000-m walk kung saan nilampasan niya ang da-ting 10:11.3 ni Bryan Oxa-les ng NCR noong nakalipas na taon  sa Antique rin.

Apat ng iba pa ka-bilang na si Oxales (9:33.15)  ang nagtala rin ng mataas na marka kasama sina Peter Lachica ng Soccsksargen (9:56.52), Christian Mondejar ng Davao region (9:56.60) at John Aaron Arandia ng Calabarzon (9:58.51).

Malaking bagay para sa incoming Grade 11 estu-dyante ng Umingan Central National High School ang kanyang rigid training sa Lingayen, Pangasinan bago sa kumpetisyon na siyang dahilan sa kanyang panalo ngayon mula sa pang-anim lamang sa nakaraang Palaro sa Antique.

Samantala, nakasungkit ang 12-anyos na si Princess Sheryl Valdez ng Soccsksargen ng apat na gintong medalya sa elementary girls arnis upang maging unang multi-gold medalist sa isang linggong kumpetisyon.

Dinomina ng Tacurong, Sultan Kudarat-native na si Valdez ang  elementary girls individual  anyo double weapon (28.90 points), single weapon (29.10pts.) at single espada y daga (29.10 pts) at sa  anyo team event single weapon (29.00 pts) kasama sina Maria Veronica Ilagan at Stephane Mones sa gold winning performance.

Show comments