OAKLAND, Calif. — Malaking kawalan si Stephen Curry para sa GoldenState Warriors.
“No one can make up Steph’s contributions individually,” sabi ni Klay Thompson kay Curry. “That’s got to be done as a team and even then it’s hard with the way he can shoot the ball.”
Nagsanib-puwersa sina Kevin Durant at Thompson para banderahan ang Warriors sa 116-101 paggupo sa San Antonio Spurs sa Game Two at kunin ang 2-0 bentahe sa kanilang first-round playoffs series.
Umiskor si Durant ng 32 points kasunod ang 31 markers ni Thompson para sa ikalawang sunod na panalo ng Golden State sa San Antonio.
Nauna nang kinuha ng Warriors ang 113-92 panalo laban sa Spurs sa Game One.
Kasalukuyan pang nagpapagaling si Curry ng kanyang sprained left knee.
Nakatakda ang Game 3 sa San Antonio sa Biyernes (Manila time).
Kumonekta si Thompson ng 12 of 20 shots at nagtala si Durant ng 6 rebounds at 6 assists para sa Golden State, naglaro na wala si key backup big man David West matapos makalasap ng sprained left ankle injury sa kaagahan ng fourth period.
Ginamit naman ni coach Steve Kerr si 7-foot-1 JaVale McGee bilang starting center na humakot ng 10 points at 7 rebounds.
Pinangunahan ni LaMarcus Aldridge ang Spurs mula sa kanyang 34 points habang nagdag-dag si Rudy Gay ng 12 markers.
Sa Philadelphia, nagpasabog si veteran guard Dwyane Wade ng 28 points para tapusin ang 17-game winning streak ng 76ers at ibigay sa Mia-mi Heat ang 113-103 panalo sa Game Two ng kanilang first-round playoff series.
Naglaro nang wala si injured All-Star center Joel Embiid sa ika-10 sunod na pagkakataon, nakabalik ang Philadelphia mula sa 16-point deficit para makalapit sa 2 points sa dulo ng fourth quarter.
Nagsalpak si Wade ng dalawang krusyal na basket para itabla ang Heat sa 1-1 sa kanilang serye ng 76ers.