MANILA, Philippines – Tumaas ang bilang ng mga naghahanap ng tiket para sa darating na 2018 PBA All-Star Weekend na nakatakda sa Mayo 23-27 matapos buksan ang bentahan nito.
Ang ticket outlet sa Davao del Sur para sa All-Star week sa Mayo 23 ay mabibili sa accountant’s office ng provincial government sa pamamagitan ni May Fernando-Uy sa tel. 0825533668 at sa budget office kay Dessamie Buat-Sanchez sa cellphone no. 09286713890.
Ang Batangas, mamamahala sa second leg sa Mayo 25 na tatampukan ng mga side events ay may ticket outlet sa Batangas City Sports Coliseum.
Tatayo namang retailer ang Toyota Diversion at Toyota Jaro sa Iloilo, ang final stop ng PBA All-Star sa Mayo 27.
Muling gagamitin ang format noong nakaraang taon para sa 2018 PBA All-Star, itataguyod ng Phoenix Fuels na may Phoenix Pulse Technology bilang major sponsor at suportado ng Peak sports apparel, sa pagharap ng Gilas Pilipinas sa selection teams na kumakatawan sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Unang hahamunin ng Mindanao squad ang national team sa Mayo 23 sa Davao del Sur kasunod ang Luzon sa Batangas sa Mayo 25 at sa Visayas sa Iloilo sa Mayo 27.