^

PM Sports

Akari-Adamson ang No. 1

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakopo ng Akari-Adamson ang ikalawang outright semifinals berth matapos ang 71-64 panalo sa sibak na sa kontensiyong  Jose Rizal University kagabi sa pagtatapos ng eliminasyon ng 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Developmental League Aspirant’s Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Tinapatan ng Akari-Adamson ang 9-2 record ng walang larong Marinerong Pilipino ngunit dahil sa winner over the other rule nakuha nila ang No. 1 habang nagtapos ang Jose Rizal na may 2-9 kartada.

Nauna rito, sinelyuhan ng Gamboa-St. Clare ang ikalimang puwesto sa playoffs matapos plakdain ang AMA Online Education, 136-90.

 Naiwan pa sa 25-27 matapos ang unang kanto, nagliyab sa sumunod na quarter ang Coffee Mix Lovers sa pagratsada sa mabilis na 60-45 abante.

Hindi na bumitiw pa sa manibela ang Gamboa buhat noon tungo sa pambihirang 46 na puntos na tagumpay.

Bunsod nito, tinapos nila ang kampanya sa 7-4 kartada upang masiguro ang ikalimang puwesto papasok sa  quarterfinals ng Aspirants’ Cup.

Winakasan ng Ama Online ang kanilang kampan-ya sa kalunos-lunos na 1-10 kartada.

Trinangkuhan ni Chris Bitoon ang atake ng Coffee Mix Lovers sa ibinuslong 31 puntos habang umalalay naman ang Filipino-American na si Trevis Jackson sa ambag na muntikang triple double na 26 puntos, 10 rebounds at siyam na assists.

Nagdagdag pa ng 13 puntos si Aris Dionisio habang may tig-11 puntos din sina Raymond Rubio at CJ Catura.

Makakaharap ng Gamboa ang Che’Lu Bar and Grill-San Sebastian na may twice-to-beat na bentahe sa quarterfinals habang sasagupain naman ng Zark’s Lyceum ang Centro Escolar.

Bagama’t may 26 puntos si Kent Lao gayundin si Andre Paras na may double double na 17 puntos at 13 rebounds ay kinapos pa rin para sa AMA na nasadlak sa ikapitong sunod na kabiguan.

Tinapos din ng Wangs Basketball-Letran ang kampanya nito gamit ang panalo matapos ang dikit na 94-92 tagumpay sa sibak na ring Batangas-Emilio Aguinaldo College.

Bumandera sa Couriers (6-5) si Jerrick Balanza sa inilistang 26 puntos habang may 25 puntos si Ablaza sa kabiguan ng Generals (2-9). (AD)

AKARI-ADAMSON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with