^

PM Sports

Caperal nagpasiklab

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Paniwala ni San Miguel coach Leo Austria, may bagong sumibol na alas ang koponang Barangay Ginebra sa katauhan ni Prince Caperal.

“A star was born,” ani Austria matapos makalusot sa masalimuot na kalagayan kontra sa Ginebra noong nakaraang gabi kung saan lumutang si Caperal sa tikas ng kanyang 26-point breakout game.

Malamang naman na umaasa rin ang Gin Kings na masustina ni Caperal ang solidong laro lalo na at patuloy pa ring nagpapagaling si Greg Slaughter ng ankle sprain.

Noong Game One ay may maganda na rin na ambag ang Kia discard na ito. Kumunekta siya 3-of-6 from the field at 2-of-2 mula sa free throw line para sa kabuuang walong puntos plus limang rebounds na kanyang hinugot sa 12 minutes na laro.

Lalo siyang tumibay sa Game Two kung saan tumikada siya ng 17 points sa first half pa lamang ng laro. For the record, kabuuang 19 points lamang ang kanyang nagawa sa entire stretch ng elimination round at 12 points lamang ang kanyang dating career-best output.

“Happy ako nakatulong ako sa team although natalo rin kami sa huli,” ani Caperal, dating national youth player na lumaro sa Arellano U sa kanyang collegiate years.

May basketball pedigree si Prince dahil dati rin manlalaro ang kanyang ama – si Bobot Caperal na nag-laro ng college ball sa Metro Manila Colleges noon.

Isa ang matandang Caperal sa mga unang pambato ng Star Group of Publications team na dominante sa National Press Club at Print Media Organization basketball tournaments.

Sa edad na 24, kasama si Caperal sa sampung pinakabatang players sa current PBA roster.

***

Pakiramdam ni Austria, kailangan nila ng mas ibayong preparasyon sa Game Three dahil malamang na may muling pambulaga na ilalabas ang Barangay Ginebra.

Hindi lingid kay Austria na nabaon din ang Ginebra, 0-2 sa kanilang best-of-seven semifinal series kontra sa Star Hotshots noong nakaraang PBA Philippine Cup. Pero nakabangon ang Kings at nakausad sa finale kontra sa Beermen.

Pero kilalang maingat sa paghawak ng kalama-ngan ang SMB.

Nine-two ang record ng Beermen sa best-of-seven series kung saan nakakuha sila ng 2-0 lead.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with