Heat pinatumba ang Wizards

Dumakdak si James Johnson ng Miami sa harap nina Marcin Gortat at Markieff Morris ng Washington.

MIAMI — Nagsalpak si James Johnson ng 20 points habang nagdag-dag si Wayne Ellington ng 17 markers at umarangkada ang Heat sa third quarter para patumbahin ang Washington Wizards, 129-102.

Nag-ambag naman sina Tyler Johnson, Josh Richardson, Rodney McGruder at Kelly Olynyk ng tig-13 para sa Miami na umiskor ng 43 points sa third period kumpara sa 28 points ng Washington.

Ang naturang ratsada ang highest-scoring quarter ng Heat sa isang regular-season game matapos noong Oktubre 30, 2013 — may 394 laro na ang nakakalipas.

Itinala ni Dwyane Wade ang ika-8,000th field goal sa kanyang career sa first half para sa Miami ngunit nilisan ang fourth quarter dahil sa isang mild left hamstring strain.

Umiskor si Jodie Meeks ng 23 points sa panig ng Wizards, nagwakas ang five-game winning streak kasunod ang 14 markers ni Bradley Beal.

Sa Los Angeles, tumipa si guard Lou Williams ng 25 points at may 21 markers si Tobias Harris para tulungan ang Clippers na kunin ang 113-105 panalo kontra sa Orlando Magic.

Kumolekta si center DeAndre Jordan ng 18 rebounds at nagtala si Milos Teodosic ng 15 points at 7 assists.

Binanderahan ni Jonathan Simmons ang Magic sa kanyang 24 points samantalang naglista sina  D.J. Augustin at Nikola Vucevic ng 19 at 17 points markers, ayon sa pagkakasunod.

Sa Dallas, nagtala si Harrison Barnes ng 25 points para pangunahan ang Mavericks sa 114-80 paglampaso sa Memphis Grizzlies.

Ipinalasap ng Dallas ang ika-17 sunod na kamalasan sa Memphis.

Nagtayo ang Mave-ricks ng 26-point lead sa first half para ituloy ang pagbulusok ng Grizzlies.

Umiskor sina J.J. Ba-rea at Doug McDermott ng tig-20 points para sa Dallas.

Show comments