^

PM Sports

Hindi puwedeng dumirekta si Pacquiao kay McGregor

RCadayona - Pang-masa
Hindi puwedeng dumirekta si Pacquiao kay McGregor

Manny Pacquiao at Conor McGregor

MANILA, Philippines — Kasalukuyan pang may exclusive contract si Conor McGregor sa Ultimate Fighting Championship (UFC).

Kaya naman hindi siya maaaring basta-basta kausapin para sa isang laban maging sa loob ng Octagon o sa ibabaw ng boxing ring.

Nagbabala si UFC president Dana White kay Manny Pacquiao na maaari niyang idemanda ang Filipino world eight-division champion kung direkta itong nakikipag-usap kay McGregor.

Noong nakaraang linggo ay sinabi ni Pacquiao na hindi pa siya nakakapag-follow up para sa boxing match nila ni McGregor sa Abril ng 2018.

“That would be weird, because McGregor is under contract with us,” sabi ni White sa panayam ng MMAjunkie. “If that’s true, I will be suing Manny Pacquiao and whoever is representing him. So, I’m assuming that’s not true.”

Huling lumaban sa UFC si McGregor noong Nobyembre ng 2016 nang angkinin ang lightweight title mula sa isang second-round TKO win kay Eddie Alvarez.

“We were working on a fight for him at the end of the year, and he’s just not ready,” sabi ni White sa Irish superstar.

Sa kanyang Twitter account noong Nobyembre 23 ay ipinoste ni Pacquiao ang “Happy thanksgiving, stay fit my friend” na may la-rawan ni McGregor na nakaupo sa isang sofa at may kasamang hashtag na “realboxingmatch.”

Wala namang naging reaksyon si McGregor sa naturang social media post ni Pacquiao.

Pinabulaanan naman ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na may nangyayaring pag-uusap sa pagitan ng mga kampo nina Pacquiao at McGregor.

“It’s total nonsense,” sabi ni Arum sa pa-nayam ng BoxingScene.com. “If there is such a fight, Pacquiao or any other boxer would give McGregor a beating. But there are no negotiations right now. McGregor is still spending the money that he earned from the fight with Mayweather.”

Umiskor si Floyd Mayweather, Jr., nagbalik sa aksyon matapos magretiro noong Set-yembre ng 2016, ng tenth-round stoppage laban kay McGregor para sa unang professional boxing fight ng huli noong Agosto sa Las Vegas, Nevada.

Nagbulsa ang 41-anyos na si Mayweather ng higit sa $300 milyon sa kanilang boxing fight ni McGregor, kumita ng $100 milyon.

Ang nasabing laban ay humakot ng $55 milyon sa live gate pangalawa sa record na $72 milyon ng super fight nina Pacquiao at Mayweather noong Mayo ng 2015.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with