MANILA, Philippines - Bukod sa pagkuha kay Rudy Gay, tahimik ang San Antonio Spurs sa nakaraang free agency.
Ibinalik nila si guard Patty Mills gayundin si big man Pau Gasol at halos intact ang core ng team.
Kailangang mag-click ang grupo hanggang maka-recover si Tony Parker mula sa quadriceps injury.
Sa panig ni Parker, target niyang makabalik sa January.
Nagrerekober na si Parker, ayon kay Jeff Garcia ng News4SA.com matapos magtamo ng left quadriceps injury noong nakaraang season sa kanilang playoff run.
Sa mabilis na recovery ni Parker, inaasahang niyang makakalaro na ito, mga apat hanggang limang buwan.
“It’s OK. It’s OK. It’s getting better and better. I’m starting to run like a little bit. I’m walking pretty well. I think it’s still going to be a long process. It’s still going to take like another four or five months but I am very happy in with the progress. I am in advance in my rehab,” wika ng Argentinian player sa interview ng TV LPG TV.
Binanggit din ni Parker ang pagbabalik ni Manu Ginobili at umaasa siyang mananalo ng titulo ang Spurs para sa kanya kung huli na nito ang darating na aseason.
“Hopefully we can finish with the championship for Manu’s last year hopefully but we never know if it’s going to be Manu’s last year. Maybe he’s going to come back again. As long as he keeps playing, everybody’s going to be happy,” ani Parker.