BaliPure sasagupa sa Pocari sa Finals ng PVL Reinforced Conf.

Pinigilan ni Paulina Soriano ng Creamline ang spike ni BaliPure import Jennifer Keddy. PM photo ni Joey Mendoza

MANILA, Philippines - Ang inaasahang dikit at mainit na laban natapos sa three-set win ng BaliPure Water Defen-ders laban sa Creamline Cool Smashers, 25-18, 25-13, 25-16, para angkinin ang tiket sa inaugural staging ng 2017 Premier Volleyball League Reinforced Conference kagabi sa Philsports Arena sa Pasig City.

Sinamantala ng top seed na Water Defen-ders ang kanilang bentahe sa tangkad para tapusin ang best-of-three semis series nila sa 2-1 at angkinin ang Fi-nals berth.

Haharapin nila sa best-of-three title series ang Pocari Sweat na pinatalsik ang Power Smashers, 25-19, 25-22, 25-21, sa likod ng pagbibida ni Myla Pablo sa isa pang semis match.

Magsisimula ang ka-nilang title duel bukas.

Halatang nanlamig ang Cool Smashers dahil sa pagod kaya madaling nakuha nina im-ports Jennifer Keddy ng US at Jeng Bualee ng Thailand at Grethcel Soltones ang ikalawang set, 25-13,  at sinundan pa ng madali ring third set, 25-16, patungo sa Finals.

Masaya si Soltones sa unang Finals stint ng BaliPure dahil napabuti nila ang third place fi-nish sa Open Confe-rence at 3rd place rin sa Reinforced Conference sa nakaraang taon.

“Sabi ni coach Ro-ger (Gorayeb) sa amin na hindi namin damhin ang pressure kundi ila-gay namin sa kanila. Ginawa ko ang lahat ng mga magagawa ko pa-ra ma-inspire lahat ng mga kasama ko,” sabi ni Soltones, ang MVP ng Open Conference noong 2016.

Tinalo ng Water Defenders ang Creamline, 22-25, 25-23, 25-14, 25-21, sa Game One noong Sabado, ngunit gumanti ang Cool Smashers sa likod nina Alyssa Valdez at American import Laura Schaudt sa Game Two, 24-26, 25-18, 18-25, 25-16, 16-14, noong Martes.

Samantala, nagpaka-wala ng bomba ang  Air Force sa fifth set pa-ra durugin ang Army Troopers, 24-26, 21-25, 25-20, 25-21, 15-9, habang tinapos ng Cignal HD ang pag-asa ng Sta. Elena sa kanilang 27-25, 24-26, 25-16, 26-24 panalo para mu-ling magharap sa best-of-three Finals series sa men’s division.

Nagtala naman ng tig-12 points sina Lorenzon Capate at Peter Torres para angkinin ng HD Spikers ang ikalawang Finals slot.

Show comments