Phl Azkals lugmok sa China

MANILA, Philippines - Nakatikim ang Philippine Azkals ng 1-8 kabiguan sa mga kamay ng China sa isang friendly match sa Guangzhou, China.

Sa nasabing laro ay nagkaroon ng injury sina James Younghusband, Daisuke Sato at Misagh Bahadoran.

Nakatakdang kumam-panya ang Azkals para sa darating na Asian Cup qualifier.

Kaagad sumipa ng magkakasunod na goals sina Ren Hang at Xiao Zhi para sa 2-0 kalama-ngan ng Guo Zo.

Nakaiskor ng goal ang Azkals sa 34th minute makaraang makakonekta si Bahadoran.

Itinala ni Yu Hanchao ang pangatlong goal ng Chinese team para kunin ang 3-1 abante.

Show comments