^

PM Sports

Pampaganang panalo asam ng nagbabalik na si Banal

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pagkaraan ng halos isang taon ding pagkawala sa eksena, magbabalik muli bilang coach ng baguhang Marinerong Pilipino  si coach Koy Banal.

Sa kanyang pagbalik,  aminado ang dating coach ng Barako Bull sa PBA na may pagkabalisa at pag-aalala siyang nararamdaman sa muling pag-upo bilang bench tactician.

“There’s a bit of rust, but it should not be an excuse,” pahayag ni Banal.

Makakasama ni Banal ang nakatatandang kapatid na si Joel na magsisilbing consultant para sa Marinerong Pilipino sa pagsisimula ng kanilang kampanya sa 2017 PBA D-League Foundation Cup ngayong hapon kontra sa Batangas sa JCSGO Gym sa  Cubao.

Makakasagupa naman niya bilang mentor ng Batangas ang dati niyang assistant coach na si Eric Gonzales.

“Coach Eric is a champion coach and more or less, he knows my style. He’s been my assistant for a long time in Arellano and we go way, way back. That’s one thing where my anxiety also roots from and he knows how to lead his team and motivate his players,” ani Banal.

Inaasahang sasandigan ni Banal para mamuno sa Seafarers  sina Achie Iñigo, Julian Sargent at ang beteranong si Mark Isip sa pagsabak nito kontra sa Batangas ngayong 5:00 ng hapon.

Sa panig naman ni Gonzales, inamin naman nito na marami siyang natutunan kay Banal na ibinabahagi na niya ngayon sa kanyang mga players.“He always told us that the will to win is important but the will to prepare is vital. We’re still a rookie team and coach Koy’s team is built on veterans so we’re just hoping for the best.”

Pamumunuan naman nina Joseph Sedurifa at CJ Isit ang Batangas.

Sa unang laban, sisimulan din ng Centro Escolar University ang kanilang kampanya sa ilalim ng paggabay ni coach Yong Garcia, sa pagsabak nila kontra sa Wangs Basketball ganap na 3:00 ng hapon. (FML)

 

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with