MANILA, Philippines - Alam na ng Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. (LVPI) kung sinu-sino ang kanilang papangalanan para sa Philippine women’s at men’s volleyball squads na kakampanya sa 29th SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto.
Sinabi kahapon ni LVPI acting president Peter Cayco na ihahayag nila ang pangalan ng mga players sa Biyernes kasama ang national coaching staff na pinamumunuan ni Francis Vicente.
“The names will be submitted to the Kuala Lumpur SEA Games organizers and will be trimmed down to the final 12 on the last day allowed by the organizers,” wika ni Cayco sa kanyang pagdalo sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Golden Phoenix Hotel sa Pasay City.
“Tomorrow and Thursday (practice sessions) will be very crucial. Then on Thursday night coa-ches will meet to decide on the lineup to be announced on Friday afternoon,” dagdag pa nito.
Matapos ang serye ng mga tryouts ay pumili ang LVPI ng 25 babae at 21 lalaking players sa national pool noong Marso 14.
Sinabi ni Cayco na pinagpahinga nila ang mga players, hindi tumigil sa pag-eensayo matapos mapili ng LPVI at sa susunod na dalawang practice sessions ay pipiliin kung sino ang mga didiretso sa selection process.
Gagawin ng LPVI ang official announcement sa Biyernes sa ganap na alas-2 ng hapon sa Arellano Gym.
Nakasama ni Cayco sa PSA Forum si LVPI pre-sident Jose Romasanta.
“The coaches devised a point system that will help them decide who makes it to the team for the SEA Games and the Asian Women’s Senior Championship in August,” wika ni Cayco sa programang itinataguyod ng San Miguel Corp., Golden Phoenix Hotel, Accel at Philippine Amusement and Ga-ming Corp.
Pamumunuan nina Alyssa Valdez at Mika Re-yes ang women’s roster na kinabibilangan din nina Kim Fajardo, Jaja Santiago, Lourdes Clemente, Den Den Lazaro, Rachel Anne Daquis, Maika Ortiz, Din Din Manabat, Rhea Dimaculangan, Aiza Pontillas, Ria Meneses, Myla Pablo, Jovelyn Gonzaga, Maddie Madayag, Kat Tolentino, Kim Dy, Dawn Macandili, Genevieve Casugod, Bia Gene-ral, Roselle Baliton, Kathleen Arado, Elaine Kasilag, Abigail Maraño at Grethcel Soltones.
Nasa men’s pool na hahawakan ni coach Sammy Acaylar sina Mark Deximo, Relan Taneo, John Kenneth Sarcena, Geuel Asia, Rey Taneo, John Vic de Guzman, Alnakran Abdilla, Howard Moji-ca, Mark Alfafara, Dave Cabaron, Peter Torres, Lo-renzo Capate, Bonjomar Castel, Reyson Fuentes, Herschel Ramos, Louwie Chaves, Jack Kalingking, John Paul Bugaoan, John Carascal, Eddiemar Kasim at Esmail Kasim.
Hindi pinaglaro ang mga national pool members sa “Clash of Heroes” match noong Lunes.
“There were players that stepped up in their absence and it gave the coaching staff new insights on certain players,” wika ni Cayco.