MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni running coach Rio dela Cruz ng Runrio Events Inc, ang pagsisimula ng kanilang running series na RunRio Trilogy 2017 sa Okada Manila sa Parañaque City.
Ang unang leg na Half Marathon run ay may 10K at 5K races sa June 25. Susundan ito ng Afroman Distance na 32K bukod pa sa 21K, 10K at 5K sa Agosto 13.
Ang ikatlong leg ay ang Philippine Marathon na may full marathon na 42K bukod pa sa 21K, 10K at 5K races na gaganapin sa October 1.
Ang mga runners na makakakumpleto ng tatlong legs ay kikila-lanin sa RunRio Trilogy Awards Night.
“The RunRio Trilogy Series is dedicated to all people who are not just running enthusiasts like me but most specially for people who are thinking of making running as their way to a healthy lifestyle,” pahayag ni Rio na kinuhang partner ang actor at running enthusiasts na si Dingdong Dantes na dala ang Yes Pinoy Foundation na magiging partner nila para makatulong.
Nasa grupo na rin ng RunRio ang dating Milo Executive na si Andrew Neri bilang Managing Director.
“Part of the proceeds of this years race series will go to YesPinoy Foundation to support our Go Bag project which is an emergency bags we are giving to the people in vulnerable areas in time of disaster,” pahayag ni Dantes.