Tamaraws, Tigers agawan sa No. 3 seat sa men’s football

MANILA, Philippines - Sasagupain ng University of Santo Tomas at Far Eastern Universi-ty, kapwa may tiket na sa Final Four, ang kani-kanilang mga karibal para sa UAAP Season 79 men's football elimination round rankings ngayon sa Moro Lorenzo Field.

Lalabanan ng Grow-ling Tigers ang sibak nang La Salle Green Archers sa ganap na alas-2 ng hapon kasunod ang pakikipagtuos ng Tamaraws sa league leader na Ateneo Blue Eagles sa alas-4.

Makakatapat naman ng nagdedepensa sa koronang University of the Philippines ang talsik nang National Universi-ty sa alas-6:30 ng gabi.

Nakamit ng Blue Eagles at Fighting Maroons, tumipa ng 32 at 28 points, ayon sa pagkakasunod, ang No. 1 at 2 ranking sa knockout semifinals.

Dahil dito ay mag-u-unahan ang FEU at UST sa No. 3 seat para maiwasan ang pagharap sa No. 1 Ateneo sa semis na nakatakda sa Abril 30.

Makakaharap naman ng third-ranked team ang No. 2 UP sa isa pang semifinals pairing.

Nagtala ang Grow-ling Tigers ng 20 points, habang may 18 points ang Tamaraws na tinalo nila, 2-1, noong Abril 9.

Kung mananalo ang UST sa La Salle ay kailangan naman ng FEU na manaig para makuha ang No. 3 spot.

Ang isang draw ay sapat na para upuan ng Tamaraws ang No. 3 seat kung kapwa sila magtatapos ng Tigers na may magkatulad na 23 points makaraan ang eliminasyon. 

Ang FEU ay may +10 in goal difference kumpara sa bitbit na +2 ng UST.

Show comments