^

PM Sports

Cone pinanindigan ang pagkuha sa maliit na si Brownlee

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang panalo laban sa Star sa kanilang ‘Manila Clasico’ noong Linggo ang nagpatunay na ka-yang manalo ng Bara-ngay Ginebra gamit ang maliit na si 6-foot-5 import Justin Brownlee.

“It’s just satisfying to beat a quality team like Star,” sabi ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone matapos ang 113-98 panalo ng Gin Kings laban sa Hotshots. “It says that we can compete in this conference with Justin.”

Tumapos si Brownlee na may 30 points, 15 boards, 6 assists, 4 blocks at 2 steals at walang nagawang turnover sa loob ng 40 minuto.

Samantala, hinirang naman si playmaker LA Tenorio bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week.

Nakatuwang ni Tenorio si Brownlee sa dalawang sunod na panalo ng Gin Kings laban sa Glo-balport Batang Pier at Hotshots para sa kanilang 2-1 kartada sa mid-season conference.

Inungusan ni Tenorio para sa weekly citation ang kanyang Ginebra teammate na si Sol Mercado at sina Jayson Castro, Troy Rosario at Ranidel de Ocampo ng TNT Katropa, June Mar Fajardo ng San Miguel, Meralco guard Baser Amer at Mike DiGregorio ng Blackwater.

Laban sa Batang Pier, nagtala si Tenorio ng 15 points, 6 rebounds, 4 assists at 2 steals para makumpleto ng Gin Kings ang pagbangon mula sa 19-point deficit at kunin ang 113-96 panalo noong nakaraang Miyerkules.

Noong Linggo ay nagposte naman si Tenorio ng personal confe-rence-best na 21 points, kasama dito ang walo sa final canto, para tulungan ang Ginebra sa 113-98 panalo kontra sa Star.

Nagposte si Tenorio ng average na career-best 16.33 points bukod pa sa 3.67 rebounds at 3.33 assists sa unang talong laro.

 

CONE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with