MANILA, Philippines - Idinagdag ng award-winning na Best Center ang Notre Dame of Greater Manila sa Caloocan City sa listahan ng mga venues para sa kanilang summer sports clinics.
Magsisimula ang basketball clinics na suportado ng Milo sa Abril 5-29 tuwing Miyerkules at Sabado sa ganap na alas-8 hanggang alas-11:30 ng umaga para sa Preparatory Level, Levels 1 at 2.
Ang pagpapatala ay nakatakda sa Marso 24 simula alas-9:30 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.
Kasalukuyan namang nagaganap ang pagpapalista sa Best Center clinics sa Starmall Alabang at sa Fortunata Village.
Ang basketball clinics ay idaraos sa April 4 hanggang May 2 tuwing Martes at Biyernes sa ganap na alas-8:30 hanggang alas-11:30 ng umaga para sa Preparatory Level at Levels 1 at 2 (9-11 years old); at sa ala-1 hanggang alas-4 ng hapon para sa Levels 1 at 2 (12 years old above) at Levels 3 at 4 sa Starmall Alabang.
Ang volleyball clinics ay nakatakda sa Abril 3 hanggang Mayo 1 tuwing Lunes at Huwebes mula ala-1 hanggang alas-4 ng hapon para sa Levels 1, 2 at 3 sa Starmall.
Ang Fortunata Village ang pagdarausan ng basketball clinics tuwing Martes at Biyernes sa Abril 4 hanggang Mayo 2 sa Levels 1 at 2; habang ang volleyball clnics ay gagawin sa Abril 4 hanggang Mayo 2 tuwing Lunes at Huwebes sa ganap na alas-8 hanggang alas-11 ng umaga para sa Level 1.