^

PM Sports

UE lumapit sa korona ng tennis

Pang-masa

MANILA, Philippines - Humataw ang University of the East ng 3-1 panalo laban sa University of Santo Tomas sa Game One para lumapit sa paggawa ng kasaysayan sa UAAP Season 79 men’s lawn tennis championship sa Rizal Memorial Tennis Center.

Tinalo ni rookie AJ Lim si Dave Mosqueda ng Tigers, 6-2, 6-2, sa second singles para ibigay sa Red Warriors ang 2-1 lead.

Sinelyuhan naman nina Paolo Baran at Je-ric Delos Santos ang panalo ng UE makaraang daigin sina Joel Cabusas at Bernlou Bering, 7-5, 0-6, 6-3, sa second doubles.

Kinuha ng UST ang opening singles matapos ibulsa ni Nico Lanzado ang 7-6 (1), 6-3 panalo laban kay Josshua Kinaadman ng UE.

Itinabla nina Rogelio Estaño at RJ Saga ang Red Warriors sa bisa ng kanilang 6-3, 6-4 ta-gumpay sa first doubles kontra kina Clarence Cabahug at En-En Lopez ng Tigers.

Pipilitin ng Red Warriors na tuluyan nang walisin ang Tigers sa Game Two ng kanilang best-of-three title series sa Miyerkules sa nasabi ring Malate venue.

Samantala, sisikapin ng women’s champion na National University na kumpletuhin ang ikalawang perfect season sa pagharap sa UST nga-yong alas-8 ng umaga.

Sumasakay sa 23-tie winning streak, inaasahang tatalunin ng Lady Bulldogs ang Tigresses, ang tumatayong second-ranked team.

Humahawak ang NU ng ‘twice-to-beat’ advantage sa kanilang ser-ye ng UST.

vuukle comment

AJ LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with