LOS ANGELES — Binigyan ni Malcolm Brogdon ng hard foul si Nick Young sa huling 36 segundo sa third period.
Matapos itulak ni Young si Brogdon ay isinalya naman ng mas malaking si Greg Monroe ang Lakers’ guard na nagresulta sa pagkakasangkot sa gulo nina D’Angelo Russell at Brandon Ingram at ng isang Milwaukee Bucks security guard.
Nagtapos ang natu-rang pormahan sa third quarter kung saan napatalsik sina Young, Russell at Monroe, habang galit na galit naman si Los Angeles coach Luke Walton.
Ang nasabing drama ang ginamit ng Lakers para makabangon mula sa 18-point deficit at ma-kadikit sa 100-103 agwat sa huling 7.9 segundo.
Ngunit nanatili sa ka-nilang pag-iisip ang mga Bucks para kunin ang 107-103 panalo.
Umiskor si Khris Middleton ng 14 sa kanyang season-high na 30 points sa fourth quarter para sa pang-walong panalo ng Milwaukee sa huling siyam na laro.
“After things like that, there’s always a momentum swing, and it swung their way,” sabi ni Bucks’ coach Jason Kidd. “The guys stayed the course. They kept playing, and we found a way to keep the lead and finish the game.”
Umiskor si Fil-Am guard Jordan Clarkson ng 21 points para sa Lakers.
“I love the way the young guys stepped up for me,” wika ni Young. “As a team, the whole coaching staff, players, we’ve got each other’s backs. That’s unity. That’s a team.”
Sa New Orleans, kumamada naman si forward Solomon Hill ng career-high na 30 points at kumolekta si Anthony Davis ng 24 points at 14 rebounds para pamunuan ang Pelicans sa 128-112 panalo laban sa Houston Rockets at sapawan ang itinalang triple-double ni James Hardin.
Tumipa si Hill, mayroon lamang average na 6.5 points per game, ng 16 points sa opening quarter para sa 36-23 abante ng New Orleans.
Nagposte naman si Harden ng triple-double sa kanyang tinapos na 41 points, 14 rebounds at 11 assists para sa Houston.
Sa Washington, nagtala si Bradley Beal ng 24 points at naglista si John Wall ng career-high na 20 assists at 14 points para igiya ang Wizards sa 112-87 panalo sa Chica-go Bulls.
Nakabawi ang Bulls mula sa 19-point deficit at nagkaroon ng pag-asang makatabla sa Wi-zards.
Ngunit naimintis ni Jimmy Butler ang kanyang tres sa huling 3.9 segundo ng laro.
Tumapos si Butler na may 28 points, habang nagposte si center Robin Lopez ng season-high na 25 points at 12 rebounds para sa Chicago.