12th South East Asia Youth Athletics (SEA) championships Juico kumpiyansa sa kakayahan ng mga Junior tracksters
MANILA, Philippines - Malaki ang tsansa ng mga batang miyembro ng Team Philippines sa darating na 12th South East Asia Youth Athletics (SEA) championships uumpi-sahan sa Marso 27-28 sa P250 million Ilagan City Sports Complex sa Isabela.
Ito ang pinahayag ni Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) president Philip Ella Juico kahapon sa press conference na ginanap sa Orchids Hotel sa Malate, Maynila.
Ayon kay Juico, mahigit 147 mga bagong discovery mula sa Palarong Pambansa at Batang Pinoy competitions na may edad 17-anyos pababa ang bubuo sa national youth team na sasabak sa two-day athletics event na gagawin sa unang pagkakataon sa Isabela.
“Being the host, we have the privillege to field at least three athletes in each of the event. So we have to take advantage of it to give our young promising athletes enough exposures against the best in the Asean region,” sabi ni Juico.
Ang Team Philippines ay makikipagtagisan ng husay laban sa mga batang atleta mula sa walong bansa kabilang ang Brunei, Indonesia, Singapore, Thailand, Malaysia, Vietnam, Temor Leste at Philippines. May kabuuang 36 events ang paglalabanan sa kumpetisyon, 18 sa girls division at 18 sa boys category.
“This is a big challenge for all of us in the province of Ilagan, Isabela. We are doing our very best to insure that all our guests, athletes and officials will enjoy their stay in our city,” sabi ni dating Mayor ng Ilagan City Jay Diaz.
Sabi ni Juico, ang ibang atleta ng Pilipinas ay sa kasalukuyan nang nag-e-ensayo sa Philsports Complex sa Pasig City.
Pagkatapos ng SEA Youth competitions, susunod naman ang taunang 2017 National Open Invitational Athletics Championship sa Marso 30 hanggang sa Abril 2 sa parehong venue.
Mahigit isang libong atleta naman mula sa 18 rehiyon sa bansa ang inaasahang sasabak sa apat na araw na kumpetisyon kontra sa mga miyembro ng national training pool.
‘The national open is obligatory to all members of our national team. Not unless they can provide us good reasons to escape with this competition,” dagdag ni Juico.
Ayon kay Juico, pagkatapos ng national open competition ay bubuin na ang kumpletong listahan ng Team Philippines na sasali sa darating na 29th Southeast Asian Games ngayong Agosto 19 hanggang sa 31 sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Mahigit pitong Fil-Foreigners kabilang na si Rio Olympian Eric Shauwn Cray ang sasabak sa national open na sasalihan din ng mga atleta mula Sri Lanka, South Korea, Malaysia, Singapore, Taiwan, Hongkong, Guam, Brunei at Iraq.
- Latest