^

PM Sports

Lady Blaze Spikers target ang ika-3 panalo

Pang-masa

MANILA, Philippines - Target ng solo leader na Petron Blaze ang ikatlong sunod na panalo sa kanilang pagharap laban sa nangungulelat na Cocolife sa triple-header games ngayon ng Belo-Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference sa pagdayo ng liga sa Malolos Sports Complex.

Tangan ang 2-0 win-loss kartada, itataya  ng Lady Blaze Spikers ang malinis na rekord sa pagharap sa Cocolife Assets Managers (0-2) sa alas-7 ng gabi habang maglalaban naman ang wala pang talong Generika-Ayala (1-0) at Foton (1-1) sa alas-5:00 ng hapon.

Sa unang  laro, hangad ng Cignal HD Lady Spikers na buma-ngon agad mula sa talo sa kanilang pagsagupa sa baguhang Sta. Lucia Lady Realtors sa alas-3 ng hapon sa unang out-of-town game ng prestihiyosong women’s club tourney na sinusuportahan ng Senoh, Mueller, Mikasa, Asics at TV5 ang opisyal na broadcast partner.

Pagkaraang mabigo sa Grand Prix noong nakalipas na taon, nagpalakas ang Blaze Spikers sa pamamagitan ng pagkuha ng mga star players na sina Rhea Dimaculangan, Carmela Tunay at 2016 PSA Miss Volleyball  Mika Reyes.

Ang revamp ng Petron ay nagbunga agad ng dalawang sunod na panalo, ang una ay sa Sta. Lucia, 25-19, 25-19, 25-21 sa opening day at sinundan ng 18-25, 26-24, 14-25, 25-20, 15-12 panalo kontra sa malakas ding Cignal HD noong Huwebes.

Kahit ang mga beteranong sina Jovelyn Gonzaga, Rachelle Anne Daquis, Honey Royse Tubino, Mylene Paat, Maica Morada at Relea Ferina Saet ng Cignal HD ay nabigong pigilin ang pag-akyat ng Lady Blaze Spikers sa top spot.

Umani si Ces Molina ng 15 habang si Carmela Tunay ay umiskor ng 10 puntos at siyam naman mula kay Reyes sa kanilang pangalawang panalo sa season opening event na sinusuportahan ng Gold’s Gym bilang opisyal na fitness partner at UCPB Gen bilang official insurance provider.

“We just stayed together and trusted each other.  But the job is not yet done. This is a very short tournament so we have to win as much as we can,” sabi ni Petron coach Shaq De los Santos.

Inaasahang pipilitin nina Michele Gumabao, Denden Lazaro, Wensh Tiu, Jovielyn Prado, Regine Arocha at  Iris Patrona na pigilin ang winning streak ng Petron sa laban ngayon. (FCagape)

PETRON BLAZE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with