MANILA, Philippines - Matagumpay na na-kabawi ang nagdedepensang La Salle sa ka-nilang pagkatalo laban sa karibal na Ateneo sa pamamagitan ng isang magandang laro kontra sa Far Eastern Universi-ty na nagresulta sa 25-5, 25-23, 25-23 panalo sa unang araw ng second round ng eliminations sa women's division ng UAAP Season 79 volleyball tournament sa San Juan Arena kaha-pon.
Gumawa ng 11 puntos ang nagbabalik-UAAP na si Desiree Cheng na siya ring ini-ambag ni Fil-Nigerian hitter Aduke Ogunsanya para pamunuan ang opensiba ng La Salle.
Muli ring nagpasik-lab si reigning Best Setter Kim Fajardo na tumapos na may 44 excellent sets.
Nagawa lamang ma-kaiskor ng limang puntos ng Lady Tamaraws sa unang set na siyang pinakamababang nagawa ng isang koponan sa isang set sa liga sa loob ng 17 taon.
Nagbadya pang ma-kabalik ang Lady Tams sa huling dalawang set, subalit nagawang maibsan ng Lady Spikers ang pressure na naibigay nito para tuluyang iuwi ang kanilang pang-anim panalo sa walong laro.
“Akala ko ‘yung talo namin sa Ateneo mauulit dito,” sabi ni La Salle head coach Ramil De Jesus. “Hindi ko Actually ini-expect na ganoon ang panalo pero siguro madami rin naging problema ‘yung FEU noong first set.”
Umiskor ng siyam na puntos si Remy Palma. habang nalimitahan sa walong puntos si Bernadeth Pons para sa FEU na ngayon ay may 4-4 panalo-talong baraha.
Nakuha naman ng National University ang kanilang pangalawang sunod na panalo matapos igupo ang Adamson, 25-21, 25,20, 25-19.
Nagposte ng 15 puntos si NU team captain Jaja Santiago mula sa 13 attack points at 2 kill blocks para bumida sa kanilang panalo. FMLumba