^

PM Sports

PSA Tony Siddayao Award para sa 10-kabataan

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Apat na swimmers ang mangungu-na sa 10 batang atleta na gagawaran ng Tony Siddayao Awards sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night na inihahandog ng San Miguel at Milo sa Le Pavillon sa Pebrero 13.

Babanderahan ni Palarong Pambansa standout Maurice Sacho Ilustre ang pinakahuling grupo ng mga honorees na bibigyan ng pinakamatandang media organization ng award na ipinangalan sa namayapang si Manila Standard sports editor Tony Siddayao, ang ikinukunside-rang ‘Dean of Philippine sportswriting.’

Ang award ay ibinibigay sa mga exceptional athletes na may edad 17-an-yos pababa.

Bukod kay Ilustre, ang iba pang swimmers na pararangalan sa gala night na inihahandog din ng Cignal/Hyper HD ay sina Jerard Dominic Jacinto, Marc Bryan Dula at Micaela Jasmine Mojdeh.

Sina gymnast Ancilla Mari Manzano, karter Khaz Romoff, skater Arielle Pascual at triathletes Tara Borlan at Samantha Borlain ang kukumpleto sa ‘Siddayao list’ sa annual rite na suportado ng mga major sponsors na Philippine Sports Commission, Smart, Rain or Shine, Mighty Sports, Globalport, ICTSI, Foton, Gold Toe at Phoenix Petroleum.

Kabilang sa mga nanalo ng nasabing award ay sina Wesley So (chess), Kiefer Ravena (basketball), Norbert Torres (basketball), Dottie Ardina (golf), Ken Alieson Omengan (wushu) at Malvinne Ann Alcala (badminton).

Si Olympic silver medalist Hidilyn Diaz ang tatanggap ng 2016 Athlete of the Year award kasama ang mga awardees sa event na suportado rin ng Philippine Basketball Association, SM Prime Holdings Inc., Accel, MVP Sports Foundation, Philippine Charity Sweepstakes Office, NLEX, Meralco at Federal Land.

Lumangoy si Ilustre ng perpektong seven-of-seven feat sa swimming pool para sa National Capital Region sa nakaraang Palarong Pambansa na idinaos sa Albay province.

Ang 15-anyos namang si Jacinto ng University of the East ang bumasag sa tatlong national juniors records sa UAAP Season 79 juniors swimming championship.

Kumubra si Dula, isang Typhoon Yolanda survivor mula sa Tacloban, ng 24 golds mula sa limang iba’t ibang international meets habang nagbulsa si Mojdeh ng 29  golds buhat sa limang tournaments abroad.

TONY SIDDAYAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with