MANILA, Philippines - Hindi mawawala ang Philippine Athletics Track and Field Association sa honor roll list ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night na inihahandog ng San Miguel at Milo sa Pebrero 13 sa Le Pavillon.
Dahil sa epektibong programa na nagresulta sa pag-lalaro ng tatlong Filipino tracksters sa 2016 Rio De Janeiro Olympics ay hinirang ang PATAFA ng pinakamatandang media organization bilang National Sports Association (NSA) of the Year sa event na inihahandog din ng Cignal/HyperHD.
Nakamit nina Eric Shaun Cray, Marestella Torres-Sunang at Mary Joy Tabal ang qualifying standards na kaila-ngan para makakuha ng tiket sa 2016 Rio Games at makapagpadala ng pinakamaraming bilang ng tracksters sa mga nakaraang quadrennial meet.
Dalawang beses nang kinilala ang PATAFA bilang NSA of the Year ng PSA na ang huli ay noong 2009 nang mag-uwi ang asosasyon ng pitong gold me-dals sa Southeast Asian Games sa Laos.
Ang mga nanalo na ng naturang award ay ang Samahang Basketbol ng Pilipinas, Philippine Taekwondo Association, Wushu Federation of the Philippines, Association of Boxing Alliances in the Philippines, Philippine Aquatics Sports Association, Philippine Dragonboat Association at ilan pa.
Magiging doble ang selebrasyon ng PATAFA dahil ang kanilang pa-ngulong si Philip Ella Juico ay gagawaran ng Executive of the Year award sa gala night na suportado ng Philippine Sports Commission, Smart, Phoenix Petroleum, Gold Toe, Foton, ICTSI, Globalport, Mighty Sports at Rain or Shine bilang major sponsors.
Si Rio De Janeiro Olympic silver medalist Hidilyn Diaz ang tatanggap ng 2016 PSA Athlete of the Year.
Kabuuang 92 personalities at entities ang nasa listahan ng mga awardees para sa two-hour program na itinataguyod din ng Philippine Basketball Association, SM Prime Holdings Inc., Accel, MVP Sports Foundation, PCSO, NLEX, Meralco at Fe-deral Land.