Manila clasico na

MANILA, Philippines -  Isang araw lang ang pahinga at sasabak na kaagad ang Barangay Ginebra Kings kontra sa Star Hotshots ngayong alas-7 ng gabi sa simula ng kanilang Manila Clasico sa PBA Philippine Cup na gaganapin sa Araneta Coliseum.

Ang seventh seed Gin Kings ay ang ika-12th koponan ng liga na nakalusot sa twice-to-beat disadvantage matapos nilang talunin ang second seed na Alaska Aces, 108-97. Tinalo rin nila ang Aces, 85-81 sa opening ng quarters noong Linggo.

Haharapin ng tropa ni coach Tim Cone ang Hotshots, pumasok sa semis sa pamamagitan ng 2-0 sweep laban sa Phoenix Fuel Masters, sa best-of-thee quarterfinal series.

Umalagwa ang Hotshots sa quarterfinals nang manalo sila na may mahigit 26-puntos na winning margin para sa kanilang unang semis appearance sa loob ng apat na conferences.

“Ginebra is a champion team, and they now have the chemistry and experience that is very to beat,” sabi ni coach Chito Victolero.

Para kay multi-titled coach Cone, dehado sila sa semis battle at paborito ang Hotshots dahil sa kanilang panalo ng mahigit 30 puntos sa nakaraang lima o anim na laro.

“Obviously, it’s Purefoods.  Yes, we’ve won five out of our last six, so we’re not playing too badly. And we’ve overcome some injuries along the way.  But c’mon Purefoods has not won by less than 30 points like in the last five or six games. And they’re really coming on,” ayon kay Cone.

Inamin ni Victolero na mabigat na kalaban ang Gin Kings bunga sa kanilang ipinakita sa pagpapatalsik sa Alaska kaya asahan ang magandang laban.

“Everybody played well especially their role players. So we expect a very hard and exciting series. No one expect us to be here, but the team worked hard for this so we will battle and fight to meet our next goal,” dagdag ni Victolero na humalili kay Jason Webb sa Hotshots bench.

Sa iba pang semis match, naghaharap naman ang top seed San Miguel Beermen  at 4th seed Talk ‘N Text KaTropa habang sinusulat ang istoryang ito.

Show comments