Randle may pneumonia

Julius Randle

EL SEGUNDO - Hindi muna maaaring makibahagi sa anumang aktibidad si Los Angeles Lakers forward Julius Randle matapos ma-diagnose na may pneumonia.

Hindi lumaro si Randle noong Huwebes ng gabi laban sa Utah dahil sa kanyang karamdaman.

Agad siyang ineksamen ni team physician Dr. Daniel Vigil ng UCLA Health.

Kailangang magpahinga ni Randle ng dalawa hanggang tatlong araw at sasailalim sa follow-up examination nitong Lunes bago magbigay ng tunay ng kanyang status ang kanyang team.

 

Show comments