MANILA, Philippines – Pitong players ang umiskor ng double fi-gures.
At sapat na ito para makuha ng Hotshots ang pang-limang quarterfinals ticket.
Umiskor si guard Allein Maliksi ng game-high na 25 points, habang anim pang players ang naglista ng double figures para akayin ang Star sa 120-73 paglampaso sa talsik nang Meralco sa 2017 PBA Philippine Cup kagabi sa Ynares Center sa Antipolo City.
Nag-ambag sina sho-oting guard Paul Lee at rookie Jio Jalalon ng tig-15 markers at may 13 points si Aldrech Ramos at tig-10 points sina Justin Melton, Mark Barroca at Ian Sangalang para sa 6-4 record ng Hotshots.
“I challenged my players na we need to be mentally tough kasi nakakatakot ‘yung Meralco. Pangalawa, iyong pressure wala na mas-yado,” ani coach Chito Victolero.
Hawak ang nine-point lead sa pagtatapos ng opening period, nag-init ang mga kamay ng Hotshots sa second quarter para kunin ang 32-point lead, 63-31.
Sa ikalawang laro, tinakasan ng nagdedepensang San Miguel ang TNT Katropa, 98-94.
STAR 120 - Maliksi 25, Lee 15, Jalalon 15, Ramos 13, Melton 10, Barroca 10, Sangalang 10, Abundo 8, Reavis 4, De Leon 3, Abundo 3, De-la Rosa 2, Brondial 2, Pingris 0.
Meralco 73 - Newsome 13, Al Hussaini 9, Hugna-tan 7, Amer 7, Uyloan 6, Caram 6, Grey 5, Chua 4, Faundo 4, Dillinger 4, Daquioag 3, Hodge 3, Yeo 2, Nabong 0.
Quarterscores: 28-19; 63-31; 90-43; 120-73.