MANILA, Philippines - Matapos maghari sa nakaraang 2017 Brunei Cycling Classic ay nakatutok naman si George Oconer ng Go For Gold sa pagsikwat sa korona ng LBC Ronda Pilipinas 2017.
Ang 24-anyos na si Oconer ang isa sa mga riders na aabangan sa nasabing 14-stage race na naka-takda sa Pebrero 4 hanggang Marso 4 makaraang magkampeon sa one-day race sa Bandar Seri Begawan.
Pinamunuan din ni Oconer ang dalawang qualifying races ng Ronda sa Subic noong Nobyembre at sa Baco-lod noong Disyembre.
Ang pinakamataas na pagtatapos ni Oconer sa LBC Ronda Pilipinas ay ikalawang puwesto no-ong 2015 nang sumegunda siya kay two-time LBC Ronda champion Santy Barnachea.
Si Oconer ang inaa-sahang magdadala sa kampanya ng Go for Gold team, kinuha ang team title sa Brunei, sa Ronda.
Ang iba pang mi-yembro ng Go for Gold team ay sina Jerry Aquino, Jr., Jonel Carcueva, Elmer Navarro, Agustin Queremit, Ryan Cayubit at Ismael Grospe.
Kabuuang P1 mil-yon ang tatanggapin ng maghahari sa cycling event mula sa presentor na LBC at mga major sponsors na Mitsubishi, Petron, ASG Group, Dans360 at Donen at may basbas ng PhlCycling ni president Abraham Tolentino.
Ang iba pang maki-kipag-agawan sa korona at premyo ay ang Navy, Neopolitan, Ilocos Sur, Iloilo, Mindanao, South Luzon, Kinetix Lab-Army, Bike Extreme, Zambales, Salic at One Tarlac.
Pakakawalan ang main race sa Pebrero 4 sa pamamagitan ng dalawang stages sa Ilocos Sur at dadaan sa Angeles (Pebrero 8), Subic (Pebrero 9), Lucena, Quezon (Pebrero 12), Pili at sa Camarines Norte (Pebrero 14 at 16).