Tang bagong coach ng CSB

MANILA, Philippines – Pormal na inihayag bilang bagong mentor ng College of St. Benilde men’s basketball team si da-ting De La Salle na si Tyrone Tang.

Si Tang, huling naglaro sa Rain or  Shine sa PBA, ang naging kapalit ng dating coach na si Gabby Velasco na nagbitiw noong nakaraang Oktubre bago tuluyang mapaso ang kanyang kontrata pagkaraang mabigong mapaangat ang performance ng Blazers sa nagdaang apat na taon.

Inaasahan ng pamunuan ng CSB na sa ilalim ng 32-anyos na si Tang ay magbabago ang kapalaran ng koponan na nakapagtala lamang ng isang panalo kontra 17 sunod na talo noong nakaraang Season 92 basketball tournament.

Kasama ni Tang bilang bahagi ng kanyang coaching staff  si Charles Tiu at si dating Talk N Text slotman Ali Peek gayundin sina Xavier School mentor Carlo Tan at Nico D’ Haenen.

At bilang panimula ng kanilang misyon  na ga-wing competitive ang Blazers sa susunod na season, sisimulan na ni Tang at ng kanyang mga assistant coaches ang pagpapa-tryouts para sa koponan sa susunod na linggo.

Sa sandaling  makumpleto na ang mga hinahanap nilang materyales, agad din silang magsisimula ng kanilang preparasyon para sa susunod na NCAA Season. FML

Show comments