MANILA, Philippines – Isang kapana-panabik na line-up ang nabuo ng Philippine Charity Sweepstakes Office para sa gagana-ping Presidential Gold Cup dito sa San Lazaro Leisure Park sa Disyembre 13.
May 13 kabayo ang mag-aagawan para sa prestihiyosong karangalan sa karerang parangal para sa kasalukuyang Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ang opisyal na listahan pati na ang kanilang mga hinete ay sina Gentle Strength ni K.B. Abobo, Lakan ni J.B. Hernandez, Court Of Honor ni J.A. Guce, Marinx ni Pat Dilema, Cat’s Dream ni D.L. Camañero Jr., Dinalupihan ni J.T. Zarate; Dixie Gold ni A.P. Asuncion, Hook Shot ni R.G. Fernandez, Dewey Boulevard ni F.M. Raquel Jr., Low Profile ni M.A. Alvarez, Tan Goal ni J.B. Guce, Skyway ni O.P. Cortez at Kanlaon ni Val Dilema.
Garantisadong P5-milyon ang inilaang papremyo kung saan ang kampeon ay mayroong P3,000,000. Sa runner-up naman ay P1-milyon; sa ikatlong puwesto ay P300,000.
Mayroong breeder’s purse na P200,000 para sa kampeong kabayo. Ang distansiya ay 2,000-meters.
Sa pakarera naman ng Philippine Racing Commission sa darating na Nobyembre 20 sa Saddle & Club Leisure Park sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite ay nailabas nila ang line-up para sa sprint championship.
Kasali ang Don Albertini, Hugo Bozz, Malaya at Showtime.
May premyo itong P600,000 sa kampeon; P225,000 sa runner-up; P125,000 sa ikatlo at P50,000 sa fourth placer.
Ang breeder’s purse ay P30,000.
Sa 4th leg ng juvenile colts stakes ay maghaharap naman ang Alfie, Biglang Buhos, Indiana Sky at Sepfourteen.
Dito ay P900,000 ang sa kampeon; P337,500 sa runner-up; P187,500 sa third placer ay P75,000 sa fourth placer. Ang breeder’s purse ay P60,000. (JM)