MANILA, Philippines - Ang huling pagkaka-taon na may kumalaban kay Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr. para sa presidential seat ng Philip-pine Olympic Committee ay noong 2008 nang hamunin siya ni shooting chief Art Macapagal.
Sa naturang POC presidential race ay nalusutan ni Cojuangco si Macapagal, 21-19.
Sa kanyang inaasam na ikaapat na sunod na termino sa POC top post ay makakatapat ni Cojuangco si Association of Boxing Alliances of the Philippines head Ricky Vargas.
Maluwag na tinanggap ng kampo ng 82-an-yos na si Cojuangco ang kandidatura ni Vargas para sa eleksyon ng POC sa Nobyembre 25.
Ang mga kinatawan ng 40 national sports associations (NSAs) ang magluluklok ng mga opisyales sa POC, kasama na ang presidente, na magsisilbi hanggang 2020.
Noong Lunes ay nagsumite si Vargas ng kanyang certificate of candidacy sa opisina ng POC sa Philsports Complex sa Pasig City para sa presidential seat habang noong nakaraang linggo pa ito ginawa ng partido ni Cojuangco.
“It’s your choice between more of the same or try something new,” sambit ng 64-anyos na si Vargas, ang TNT Katropa board of governor sa PBA.
Nasa tiket ni Vargas at tatakbo sa kani-kanilang posisyon ay sina Tagaytay Rep. Bambol Tolentino ng cycling (chairman), Rep. Albee Benitez ng badminton (1st vice president), retired Gen. Lucas Managuelod ng muay thai (2nd vice president), Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) executive director Sonny Barrios (treasurer) at Ting Ledesma ng table tennis (auditor).
Simula nang maihalal noong 2004 ay hindi pa natatalo si Cojuangco.
Para bigyang-daan ang kandidatura ni Vargas, ang kanang kamay ni businessman/sportsman Manny V. Pangilinan, ay hindi na itinuloy ni Phi-lippine Football Fede-ration president Mariano Araneta ang kanyang naunang planong labanan si Cojuangco.
Ang mga nasa tiket ni Cojuangco na nagsumite ng kanilang certificate of candidacy ay sina Tom Carrasco ng triathlon (chairman), Joey Romasanta ng volleyball (1st vice president), Jeff Tamayo ng soft tennis (2nd vice president), Julian Camacho ng wushu (treasurer) at Jonne Go ng canoe kayak (auditor).
Ang listahan ng mga kandidato ay sasaliksikin naman ng POC Commission of Eections na binubuo nina Abono party list Rep. Conrado Estrella, dating International Olympic Committee representative to the Philippines Frank Elizalde at Bernie Oca ng La Salle.