LARO NGAYON (Mall of Asia Arena, Pasay City)
1:00 p.m. San Beda Red Cubs vs Mapua Red Robins
(Game 3, FINALS Best-of-3)
MANILA, Philippines - Magtatagpo ang seven-time champion San Beda Red Cubs at Mapua Red Robins ngayon sa winner-take-all match para pag-agawan ang titulo ng 92nd National Collegiate Athletic Association (NCAA) Juniors Division na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ang Red Cubs at Red Robins ay tabla sa best-of-three finals, 1-1 at ang mananalo sa alauna ng hapong sagupaan ang mag-uuwi sa titulo.
Matapos matalo sa opening game, 64-83 umarangkada ang Red Cubs tungo sa 81-78 panalo sa Game Two upang maipuwersa ang deciding Game Three.
Sabi ni JB Sison, coach ng Red Cubs, mataas na ngayon ang kumpiyansa ng mga players at nangako ng magandang laban kontra sa Mapua, na ngayon ay Malayan High School of Science na.
Inaasahan ni Sison na babangon ang Red Robins para sa kanilang paghihigante. Ang Red Robins ay hindi na nanalo ng titulo sa juniors simula noong 2000.
“Ipinakita rin ng Red Robins ang kanilang major championship exposures. Kaya pinaghandaan talaga namin ito,” sabi ni Sison na sasandal kina Carlo Obenza, Romuel Junsay at Robi Nayve. (FCagape)