Accel-NCAA Press Corps Player of The Week

MANILA, Philippines – Malaki ang tulong ni Javee Mocon sa panalo ng San Beda College Red Lions kontra Arellano University Chiefs sa 92nd National Collegiate Atletic Association (NCAA) basketball tournament na ginaganap sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

At dahil doon ay napili siyang ACCEL Quantum/3XVI-NCAA Press Corps Player of the Week para sa linggong Sept. 17-23. Kahit si San Beda coach Jamike Jarin ay umamin sa malaking kumpiyansa ni Mocon upang makuha ng Red Lions ang isa sa dalawang twice-to-beat advantage sa Final Four.

“I just don’t want to lose this game. I just played my heart out. I did everything I can to contribute to our win,” sabi ni Mocon.

Ang 21 anyos na si Mocon ay nag-average ng 16.5 puntos, 14.0 rebounds sa dalawang hu-ling laban ng Red Lions. Gumawa siya ng double-double performance na may kasamang  14 points at 13 rebounds sa panalo ng San Beda laban sa University of Perpetual Help Altas, 84-75 noong Martes at sinundan ng isa pang double-double sa kanyang 19 puntos at 15 rebounds sa kanilang 91-81 panalo kontra Arellano Chiefs noong Biyernes.

“It’s Arellano and they’re the barometer,” dagdag pa ng third-year forward na si Mocon.

Sa ngayon ay focus ang Red Lions sa kanilang paghaharap muli kontra sa Arellano Chiefs bukas sa playoff para malaman kung sino sa kanila ang to seeded team pagdating sa semifinal round. Ang San Beda at Arellano ay tabla sa 14-4 kartada matapos sa double round elimination.

“We’re confident, but we’re not overconfident. It’s still Arellano and we know they’re going to come back stronger for the next game,” sabi ni Mocon. FCagape

Show comments