NU giniba ang FEU-Diliman

MANILA, Philippines – Sinimulan ng Natio-nal  University ang ka-nilang pagdedepensa sa korona sa UAAP Season 79 girls’ volleyball tournament sa pamama-gitan ng 25-14, 25-22, 26-24 panalo kontra sa Far Eastern University-Diliman sa Adamson University gymnasium kahapon.

Nagwagi rin ang 2015 runner-up na University of Santo Tomas  laban sa UP Integrated School, 25-5, 25-10, 25-13, habang bumalikwas mula sa 1-2 pagkakaiwan ang De La Salle-Zobel para magapi ang University of the East, 25-17, 10-25, 16-25, 25-21, 15-6.

Kitang kita sa laro ng Junior Lady Spi-kers, ang third placer noong nakaraang taon, ang malaking puwang na naiwan ni dating top scorer Jules Samonte na bahagi ngayon ng Ate-neo women’s team.

Magpapatuloy ang aksyon ngayong umaga sa pagtatapat ng Adamson kontra  sa season host UST sa alas-9 ng umaga.

Magtutuos sa unang laban sa alas-7:30 ang De La Salle-Zobel at FEU-Diliman, habang maghaharap naman ang NU at UPIS sa alas-10:30 sa ikatlong laro. FMLumba

 

Show comments