^

PM Sports

8 kabayo kalahok sa JRA Cup

Julie Cabatit-Alegre - Pang-masa
8 kabayo kalahok sa JRA Cup
Trickie Lopa, Mike Claparols of Negros Silk, Adelaida Lim, president of HABI, Elsie Daniel of Nooks, cotton weavers, Ruel Bimuyag from Kalinga

MANILA, Philippines - Walong kabayo ang opisyal na kalahok sa gaganaping JRA Cup, ang pinaka-highlight ng Japan Racing Festival, ngayong Linggo sa MetroTurf Malvar, Batangas.

Ang mga maglalaban para sa kabuuang paprem-yong P500,000 na inihanda ng sponsor na Philracom ay sina Guanta Na Mera – Mark Alvarez na pag-aari ni Atty. Narciso Morales; Brennero – Kelvin Abobo at Absoluteresistance – MM Gonzales na parehong pag-aari ni dating Mandaluyong Mayor Benhur Abalos Jr.; Aerial – Dennis Camañero Jr. (Mark Vincent Geron); Kundiman – Fernando Raquel Jr. (Paul Carpio); Fighting Back – Jonathan Hernandez (Nardy Javier); Fun Day Fest – Jordan Cordova (Andok’s Litson Corp); Bite My Dust – Jesse Guce (Dr. Nick Cruz).

Ang mananalo sa karerang ito na paglalabanan sa distansyang 1,600 meters ay pagkakalooban ng first prize na P300,000 at ang winning owner, trainer at hinete nito’y pagkakalooban naman ng tig-isang tropeo. Ang breeder ng mananalong kabayo ay tatanggap din ng P15,000 na bonus.

Bilang pagpapahalaga sa nasabing pagdiriwang ng JRA Cup sa unang pagkakataon sa MetroTurf, ginawang isang Japan Racing Festival ng Metro Manila Turf Club ang buong araw kung saan ilan sa mga karera ay sponsored ng iba’t ibang kumpanya tulad ng Isuzu Philippines Corporation, SOGO Hotel, DLTB Bus Company, at Tecson Farm.

Ang JRA Cup ay isang exchange goodwill race na kapalit sa ginagawang pantaunang The Philippines Trophy Race sa JRA Asia Week of Racing na huling ginawa noong Hulyo 16-17 sa Chukyo Racecourse sa Nagoya. Dumalo sa nasabing pagtitipon ang representatives naman ng Metro Manila Turf Club na sina vice presidents Ronald Alfeche at Andy Sevilla.

Sa Linggo, tiniyak ng JRA Hong Kong Office na darating sa naturang pagtitipon ang kanilang General Manager na si Makoto Iyori at si Masashi Shoju habang ang Japan Embassy naman sa Maynila ay magpapadala rin ng kanilang representatives na sina Minister for Economic Affairs Makoto Iyori at First Secretary Kenji Terada.

HABI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with