Dehado ang team PHL

Tunay na dehadung-dehado ang Team Philippines na tutulak patungong Tehran, Iran sa Martes para lumahok sa 2016 FIBA-Asia Challenge.

May kakaunting training at limitado ang materyales ng koponan na igigiya ni interim Gilas cadet coach Josh Reyes kontra sa mga higanteng koponan sa Asia kagaya ng China, Iran, Korea, Kazakhstan, Japan at Chinese Taipei.

“What we can promise is we’ll fight for every possession,” wika ni Josh, anak ni dating Gilas coach Chot Reyes.

Dahil in-season na ulit ang PBA, hindi avai-lable ang mga PBA players na lumaro sa torne-ong ito. Kaya naman mga batikan mula sa PBA D-League lamang ang mangunguna sa Team Phi-lippines na ito.

Ang siste ay katatapos lamang ng PBA D-League tournament, at doon lamang sila nagkaro-on ng pagkakataon para sa complete training.

“We’re basically armed with a one-week complete training,” ani Reyes.

Ang India at Chinese-Taipei ang kailangang lusutan ng Team Philippines sa elimination round upang makausad sa susunod na round.

Hindi puwedeng tawaran ang kakayahan ng India dahil sa kanilang size at ceiling. Mayroon din silang matinding kamador sa katauhan nina Vishesh Bhriguvanshi and Amjyot Singh – parehong mainstay sa Japanese league.

Sa 2014 FIBA Asia Cup sa Wuhan, China ay ginulantang ng India ang host team.

Delikadong kalaban din ang Chinese-Taipei dahil sa kanilang mga gunners at all-around naturalized player na si Quincy Davis.

Babanggain ng Team Phl ang India sa Sept. 9 at pagkatapos ay ang Chinese-Taipei sa Sept. 11.

***

Dahil sa panalo ng TNT Katropa at San Mi-guel Beer kontra sa Globalport at Meralco noong Miyerkules ng gabi ay lumaki ang agwat ng Texters (7-1), Beermen (6-2), Mahindra Enforcers (6-2) at Barangay Ginebra Kings (6-2) sa mga kalaban sa karera para sa Top Four o ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals.

Pang-lima ang Bolts (5-4) at kumpul-kumpol sa pang-anim hanggang sa pang-sampu ang Phoenix (3-4), Rain or Shine (3-4), Alaska (3-5), Globalport (3-5) at NLEX (3-5).

Mukha itong nagbabadya ng umaatikabong bakbakan sa labanan para sa huling tatlong quarterfinals slots.       

Show comments