MANILA, Philippines - Mga Olympian, national team players at iba’t ibang imports ang susubok sa kakayahan ng Foton Pilipinas sa Asian Women’s Club Championships na hahataw bukas sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.
Ang 19-anyos na si Yuan Xinyue, ang middle blocker na nagwagi ng gintong medalya sa katatapos na Rio Olympics, ang babandera sa koponan ng Ba’Yi Shenzeng ng China kasama ang open spiker na si Lin Yanhan na hinirang na MVP ng Asian Under-23 Women’s Championship noong 2015.
Si Olympian Haruyo Shimamura ang babandera sa NEC Red Ro-ckets ng Japan kasama ang Best Scorer at MVP ng 2012 Asian Youth Girls Championship na si Sarina Koga.
Ang Bangkok Glass ng Thailand ay binubuo ng mga miyembro ng kanilang national team na sina Pleumjit Thinkaow, Wanida Kotruang, Wilavan Apinyapong, Pornpun Guedpard at Sutadta Chuewulim na naglaro para sa Thailand team na co-champions ng 2016 Philippine Superliga Invitational.
Sa group stages ay makakalaban ng Foton Pilipinas ang Pocari Sweat ng Hong Kong at Thongtin Lienvietpost Bank ng Vietnam.
Ang Altay VC ng Kazakhstan ay pamumunuan nina imports Olga Biryukova ng Russia, Vanya Varbanova ng Bulgaria at Yunieska Robles Batista ng Cuba.
“It’s a very dange-rous field,” sabi ni Foton coach Fabio Menta. “The job starts after the group stages,” (FML)