MANILA, Philippines - Tinakasan ng Mapua ang San Beda College sa overtime, 101-97, para masolo ang ikaapat na puwesto sa NCAA Season 92 men’s basketball tournament sa San Juan Arena kahapon.
Inihatid ni Arnaud Noah ang Red Lions sa extension nang ipasok ang kanyang 3-pointer sa huling 5.6 segundo ng fourth quarter.
Sa overtime ay binuhat ni team captain CJ Isit ang Cardinals nang umiskor ng 8 sa kanyang kabuuang 15 points.
Nagtala naman ng 26 markers si forward Joseph Eriobu, habang tumapos na may 12 points at 24 rebounds si reigning MVP Allwell Oraeme para iangat ang Mapua sa 8-5.
“Basta masaya ako na nagtitiwala na ulit sa akin si coach Atoy (Co),” sabi ni Eriobu. “Iyon lang naman ang kailangan eh, magtiwa-la sa akin si coach at maganda ‘yung magi-ging resulta.”
Kumamada ng 19 points si Javee Mocon para sa San Beda, nalasap ang pangatlong pagkatalo ngayong season.
Samantala, nakatabla naman ang Perpetual sa Arellano matapos kunin ang76-62 panalo.
Magkakadikit na turnovers at mga sablay na tira sa fourth quarter ang siyang pumatay sa pag-asa ng Chiefs na makabig ang panalo.
Umiskor ng 22 points si Altas’ forward Gab Dagangon para pangu-nahan ang kanyang koponan na umangat sa 10-3 baraha at tapusin ang seven-game winning streak ng Chiefs.
Sa juniors division, tinalo ng Arellano ang Perpetual, 92-76, para mapaigting ang kani-lang hawak sa liderato ng standings, habang nasungkit ng Emilio Aguinaldo College ang 78-76 panalo kontra sa Lyceum. (FMLumba)